Paroles Lando de Gloc-9

Gloc-9
  • 0.0Vous n'aimez pas les paroles de Gloc-9loading
  • Note 0.0/5 basée sur 0 avis.
  • Artiste: Gloc-915200
  • Chanson: Lando
  • Langue:

Les chansons similaires

Katarungan de Freddie Aguilar

Sa isang kulungang bakal ay may taong malungkot, umiiyak Ang tanong n'ya sa sarili ay kailan magigisnan ang liwanag Malayo ang iniisip at nakakuyom yaring mga palad Bakit daw s'ya nagdurusa sa kasalanang...

Torpedo de Gloc-9

Pasensya na kung ako ay hindi nagsasalita Tandang tanda ko pa simula pa nang mga bata pa tayo Una kang nasilayan nang lumipat ka saming baryo Nilapitan ka't kinausap at tayo'y naging magkaiban Laging...

Bakit Kung Sino Pa de Gagong Rapper

Kay raming nag tatanong pero kahit kailan hindi ko na sagot bakit nga ba kung sino pa ang nag mamahal ay nakukuha ka pang saktan. Tula sa gabi tulala rin sa umaga mula ng ikay lumisan wala ng nag aruga...

Bakit de Gloc-9

CHORUS: Bakit hinahanap ka (bakit kaya) Bakit tinatawag ang 'yong pangalan [Repeat CHORUS] Nang una kitang makita Sa may Ermita Hindi ko na namalayan kung bakit Na para bang ako'y naakit Nang ika'y...

Sumayaw Ka de Gloc-9

Na na na na na na na na… [Chorus:] Wag kang matakot sumayaw Katawan ay igalaw Sige sumayaw ka Kahit na sunod-sunod pang kamalasan ang abutin mo Wag kang mag-alala limutin ang problema Wag kang matakot...

Textes et Paroles de Lando




Chorus:
(Francis M./Chito Miranda)
Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim
Nakaabang sa sulok at may hawak na patalim
Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim

Ito ay kwentong hango na galing sa dalawang taong
Nagmamahalan ng tunay ang ngala'y Elsa at Lando
At kahit parang pagkakataon ay nakakandado
Dahil magkalayo ang uri ng buhay ang estado
Ng buhay ni Lando ay di nalalayo sa marami
Sinunog ng araw ang kulay ng balat at marami
Ng galon ng pawis ang kanyang naidilig sa lupa
Upang ang gutom ay di na masuklian pa ng luha
Habang ang babaeng kanyang minamahal ay sagana
Ngunit kabilang sa pamilya na di alintanang
Makipagkapwa-tao sa mga tulad niyang dukha
Gayon pa ma'y patuloy ang pagmamahal na pinula ng pagibig

Repeat Chorus

Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlang
Sino man ay walang makakapigil sa paghakbang
Ng mga paa na ang nais ay marating ang ligaya
Niyayang magtanan di nag-atubili na sumama
Hawak ang pangarap at pangako sa isa't isa
Nagpakalayo-layo di namuhay na may kaba
Dahil alam nila na sa bawa't isa'y nakalaan
At ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalan
Wala ng ibang bagay pa silang mahihiling
Kundi isang pamilya sa loob ng apat na dingding
At isang bubong na maaaring tawaging tahanan
Bakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa

Repeat Chorus

Isang gabi na Huwebes lumubog na ang araw
Doon tayo magkita pasalubong ko'y siopao
Upang ating paghatian pagdating ng hapunan
Meron palang nakaabang sa amin na kamalasan
Eskinita sa Ermita may sumaksak kay Elsa
Sa tagiliran isang makalawang na lanseta
Ang gamit upang makuha lang ang kanyang pitaka
Kami'y mahirap lamang bakit di na siya naawa
Hindi ko naabutang buhay ang aking mahal
At hanggang sa huling hantungan ay nagdarasal
Bakit po bakit po ang laging lumalabas
Sa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landas
Akong sinusunod baliw sa mata ng marami
Siguro nga di ko na kilala aking sarili
Pangala'y taong grasa may patalim na gamit
At ang tanging alam ay isang malungkot na awit
At ang sabi…

Repeat Chorus

Wag ka nang matakot sa dilim…

N'hésitez pas à faire une recherche de paroles d'une chanson dont vous ne connaissez qu'un morceau de texte avec notre moteur de paroles et chansons